O Kahanga-Hangang Biyaya
1. O biyayang kahanga-hanga higit sa sala ko’t dalita;
Sa Kalbaryo’y tumulong kusa and dugo ni Cristong sagana.
Chorus:
O kay lawak nitong biyayang pagliligtas;
O kay lawak ng kay Cristong pagpapatawad.
2. Sala’t lungko’t ko’y parang along nagbabantang ako’y ibaon;
Sa biyaya ng Panginoon, kalul’wa ko’y nakapanganlong.
3. Kahihiyan ko’y di malingid, pagkat ubod ng dami’t dungis;
Ngunit sa biyayang tumigis, maruming puso ko’y luminis.