Nakikiramay ba si Hesus1

 


1. Nakikiramay ba si Hesus,
Kung ako’y nasasaktan
Sa kahirapan, Kapighatian,
At pasang krus pa ang daan?


Koro
Oo, nakikiramay Siya,
Ang puso Niya’y nasaktan,
Kapag ang araw ay may kalungkutan
Nakikiramay Siya.


2. Nakikiramay ba si Hesus,
Kung natatakot ako,
Pagtakip-silim, At dumidilim,
Siya ba ay nasa piling ko?


3. Nakikiramay ba si Hesus,
Kung mithing tagumpay na
Pinagsikapan, Di ko nakamtan,
Walang patid ang pagluha?


4. Nakikiramay ba si Hesus,
Kung sa ’king pagpaalam,
Sa aking sinta Rito sa lupa;
Puso ko’y nasusugatan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *