Ang Iyong Salita, O Dios

 


1. Ang Iyong Salita, O Dios Ama, Ay pagkain ng aking kalul’wa;
Ilaw ng buhay ko’t kalakasan, Laging nagbibigay kasiyahan.


2. Ituro sa akin, Panginoon, Katotohanan Mo’t Iyong layon;
At sa sala ako’y palayain Nang ang kapayapaan Mo’y kamtin.


3. Batis Ka ng buhay, Panginoon, Ang aral Mo’y panghabang panahon:
At siyang sa akin ay nagliligtas, Pagibig Mo’y hindi kumukupas.


4. Espiritung Banal, patnubayan, At sa landas ako’y alalayan:
Katotohanan Mo ay ihayag, Sa Salita Mong aking liwanag.Amen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *