Panginoon, maging katulad Mo

 


1. Panginoon, maging katulad Mo,
Ito’y aking asam, dalangin,
May galak iiwanan yaman ko,
Sakdal Mong wangis siya kong dalhin!


Ref
O Panginoon, makatulad Mo!
’Sing dalisay Mo, Manunubos;
Ang katamisan, katapatan Mo,
Sa ’kin puso’y iukit lubos!


2. Maging katulad Mong mahabagin,
Mapagpatawad, maibigin,
Iba’y tulungan, sila’y aliwin,
Makasalanan ay hanapin.


3. Maging tulad Mong mapagkumbaba,
Banal, matapang, walang dahas;
Dusa ay maamong binabat
Maghirap nang iba’y maligtas.


4. Maging tulad Mo palapit ako,
Nang matanggap pahid dibino;
Lahat nga ng sa akin at ako,
Mula ngayon ay pawang sa Iyo.


5. Maging tulad Mo sa aking samo,
Pag-ibig Mo’y puspusin ako;
Gawin akong templong tahanan Mo,
Angkop sa ’sang buhay Iyong gusto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *