Magtiwala Kay Cristo Ngayon
1. Taong alipin ng sala, Lumapit kay Cristo;
Palalayain ka Niya, Siya’y panaligan mo.
Refrain
O lumapit ka’t magtiwala Kay Cristo ngayon;
At ililigtas kang lubusan Ng panginoon.
2. Kanyang dugo ay nabuhos Dahil sa sala mo;
O tanggapin mo si Jesus, Ikaw’y mababago.
3. Katotohanan at daan Ay tanging si Cristo;
Manalig ka’t makakamtan Ang kaligtasan mo.
4. Langit ba’y ibig mong datnin? Kay Cristo manalig;
Tuwang hindi magmamaliw Iyong makakamit.