Krus aking ’pinagmalaki

 


1. Krus aking ’pinagmalaki
Laging nananatili;
Salaysay ng kabanalan,
Krus ang pinalibutan.


2. Nang makasumpong ng hirap,
Pag-asa’y naging hungkag;
Krus ni Kristo di lilisan,
O, may kapayapaan.


3. Nang araw lumiliwanag,
Sa daan sumisinag;
Liwanag sa krus ni Kristo,
Liwanag sa buhay ko.


4. Ginhawa o pagd’rusa ko,
Krus pinabanal ako;
Dito’y payapang kay lawak,
Nananatiling galak!


5. Krus aking ’pinagmalaki,
Lagi ’tong nanatili;
Natupad bagay dibino,
Ang krus pa rin ang sentro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *