Mukhaan kong makikita


Makikita kong mukhaan, Si Cristong anong inam,
May galak ko S’yang mamasdan, Na sa aki’y namatay.


Koro:
Makikita kong mukhaan Makikita kong tunay,
Ang Kanyang kal’walhatian Do’n sa kabilang buhay.


Sa ngayon ay malabo pa, Matanaw ang mukha N’ya,
Balang araw makikita, Mukha N’yang sakdal ganda.


Masaya’t maaliwalas, Pagkapawi ng hirap,
Pagkat’wid ng likong landas,Ay wala wang bagabag.


O anong palad na araw, Ang aking tinatanaw,
Kay Jesus ay makakamtan, Buhay na walang hanggan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *