Magningning Ka, Panginoon

 


Dios, liwanag ng ‘Yong pag-ibig
Sa gitna ng dilim nagniningning
Ilaw ng mundo’y si Hesu-kristo
Sa kasalanan ay palayain Mo
Sa‘kin, O Diyos, magningning Ka,


KORO:
Magningning Ka, sa‘ming bayan, O Panginoon
Aming puso, pagningasin Mo
Ipadama Mo sa amin, biyaya’t awa
‘Yong Salita, Diyos, ang aming tanglaw.


Diyos, ako sa’Yo’y lumalapit
Ang kaningningan Mo’y anong rikit
Dahil sa dugo’y makalalapit na
Siyasatin Mo ang aking sala
Sa‘kin, O Diyos, Magningning Ka.


Ang taglay Mong ningning kung pagmasdan
Nakikita sa‘min ‘Yong kawangisan
Buhay namin ay ‘Yong binabago
Ihayag sa mundo ang Ebanghelyo
Sa’kin, O Diyos, magningning Ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *