Ulong Di nasasaling

 


Ulong Di nasasaling
Ngayo’y sinugatan;
Hinamak nang lubusan
Sa koronang subyang,
Larawan ng pighati;
Hapding anong tindi;
Sa dating mal’walhating
Mukha n’yaring Hari!


Panginoon ng Buhay,
Ngayo’y pumapanaw;
Aking nabalitaan,
Anong kaga lakan!
Ang ‘Yong batang pasanin
Ay para sa amin;
Ang kasalanan namin,
Ang ‘Yong inaanghin.


Di mailalarawan
Ang kaligayahan
Sa kahalilingbuhay
Na ‘Yong inialay!
‘Wag hahayaang magmaliw
Ang aking paggiliw;
Ang katapata’y laging
Manatili sa ‘kin.


Sa oras ng pagpanaw
Pawiin anglumbay;
At ‘wag mong pabayaan,
Na magagamagam.
Kung sa buhay ay laging
Payapa’ng damdamin;
Sa kamataya’y maging
Gayong panatag din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *