Tao ng kapanglawan
1. “Tao ng kapanglawan”
Tawag kay Kristo ng Diyos,
Dala Niya’y kaligtasan
Aleluya! Manunubos!
2. Dinusta Siya ng tao,
Sa halip ko n’hatulan,
Siyang lakas at buhay ko,
Manliligtas, papurihan!
3. Tayo’y makasalanan,
Banal na Kordero Siya,
Ginanap katubusan,
Aleluya! Purihin Siya!
4. Sa krus Siya’y itinaas,
“Naganap na” wika Niya;
Sa langit Siya’y ’tinaas,
Aleluya! Purihin Siya!
5. Kung Siyang Hari’y dumating,
Tayo’y Kanyang kukunin,
Kaya’t ang awit natin:
Tagapagligtas! Purihin!