Si Hesus nasumpungan ko, tapat na kaibigan
1.Si Hesus nasumpungan ko, tapat na kaibigan,
Siya ang pinakamaganda sa akin;
Punong mansanas na tunay, sa Kanya’y nakita
Ang lahat kong kailangan nang malinis.
Sa lungkot aking aliw, sa gusot pag-asa,
Inako Niya lahat ng suliranin,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.
2.Pighati ko’y pinawi Niya, lungkot dinadala;
Sa tukso ay matibay kong moog Siya;
Aking tinalikdan lahat, nang dahil sa Kanya,
Ako’y iniingatan ng lakas Niya.
Talikdan man ng mundo, Satanas magtukso,
Ang Kanyang layunin aabutin ko,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.
3.Kailanman ay di Niya ako iiwanan dito,
Habang sa Kanya nananalig ako,
Hindi ako nangangamba, ’koy binabantayan,
Manna Niya’y nagbibigay kabusugan.
At sa kal’walhatian, mukha Niya matanaw,
Ilog ng kasiyahan ay aapaw,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.