Samahan Mo
1. Samahan Mo sa pagtakipsilim;
Ang kadiliman ay lumalalim;
Panginoon, Tanging Kaaliwan,
O Aking Tulong ay ’Yong samahan.
2. Matuling lumilipas ang araw,
Ang kagalakan ay napaparam;
Laganap kasiraa’t, pagbabago;
DiNagmamaliw samhan Mo ako.
3.Kailangan ko ang ’Yong pagsama;
Sa biyaya’y ingatan sa sala;
Tanging Ikaw gabay ko’t Kanlungan,
Magulap, umaraw, ’Yong samahan.
4.Di natatakot sa ‘king kaaway;
Sa pighati ma’y di nalulumbay;
Nasa’n ang tibo ng kamatayan?
Magtatagumpay kung ’Yong samahan.
5.Sa kamatayan mamasdan ko’ng Krus;
Pawiin Mo ang takot at lungkot;
At pagsikat ng bagong umaga,
Walang hanggan Kang makakasama