Pinasyahan kong sumunod

 


1. Pagpasya ako sa aking loob
Na ang susundi’y tanging si Jesus;
Taos sa puso’t di makikilos,
Walang urong sa pagsunod!


2.Hindi uurong kahit laitin,
Kahit tawanan ay susunod rin;
Si Jesus lamang ang kilalaning
Mananakop ng salarin!


3.Makikibaka’t titiisin ko,
Ang pag-uusig ng mga tao;
Lakas ko’t buhay, sampung talino,
Iaalay ko kay Kristo!


4.Magbuhat ngayon si Jesus lamang,
Ang susundin ko sa aking buhay;
Dating pamumuhay ko’y iiwan,
At di ko na babalikan!


5.Panginoon ko, ang Iyong tulong,
Huwag iwalay, samo ko’t hiling;
Habang lakas Mo ang aking baon,
Sa labana’y di uurong!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *