Patnubay Siya – biyaya nga
1.Patnubay Siya—biyaya nga!
Makalangit na k’aliwan!
Sa sarili’t mga gawa,
Ako’y pinapatnubayan.
Ref
Patnubay Siya, patnubay Siya,
Patnubay ang Kanyang kamay;
Tapat akong alagad Niya,
Patnubay ang Kanyang kamay.
2.Kung minsa’y walang ligaya,
Kung minsa’y tulad ng Eden,
Maalon ma’t mapayapa,
Kamay Niyang pumatnubay rin.
3.Panginoon, ako’y tangnan,
Tatanggapin Iyong ibigay,
Maging pala o hirap man,
Yamang Ikaw ang patnubay.
4.Sa pagtapos ng ’king gawa,
Nagwagi dahil sa b’yaya,
Mamatay ma’y di ma’ngamba,
Iyong kamay pa ring nagdala.