Ngayong araw, pinili ko

 


1. Ngayong araw, pinili ko,
Hesus Tagapagligtas ko!
Puso’y nagningas sa galak
Ipagsabing may halakhak.


Ref
Araw na may galak!
Niligtas Niya’t pinagalak!
Dugong mahal, sala’y hugas,
Tubig buhay, uhaw lutas,
Araw na may galak,
Niligtas Niya’t pinagalak!


2. Di nagsisi nang maangkin;
Ako’y Kanya, Siya ay akin;
Siya’y nag-akit, aking sundin,
Pagtawag Niya’y tutugunin.


3. Nagdalawang isip noon,
Pangino’n ang sentro ngayon;
Siya lamang wala nang iba,
Siya ang tanang pagpapala.


4. Pakinggan Mo, panata ko,
Araw-araw napabago!
Hanggang huling sandali ko,
Ako ay pagpalain Mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *