Ngalan marinig aking nais

 


1.Ngalan marinig aking nais,
O Hesus napakatamis;
Sa pandinig ko’y tugtugin,
Nais kong aawitin!


Ref
O Hesus kong mahal,
O Hesus kong mahal,
O Hesus kong mahal,
Una Mo ’kong minahal.


2.Sa akin nagsasabi ito:
Pag-ibig ni Hesu-Kristo;
Kanyang dugong mahalaga
Pagsamo ng maysala.


3.Sa akin nagsasabi ito:
Panustos ng Ama’y husto;
Kahit madilim ang landas,
Ang liwanag Niya’y lakas.


4.Sa akin nagsasabi ito:
Mapagmahal Ni-yang puso,
Dinadala aking dusa
Walang makababata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *