Kung minamasdan ko ang krus
1.Kung minamasdan ko ang krus,
Kung sa’n napako si Hesus,
Pakinabang ko’y winak’san,
Tinakwil kapalaluan.
2.’Di magmamapuri ako
Maliban sa Krus ni Kristo;
Inibig kong rangya’t dangal,
Ngayo’y inari kong sukal.
3.Mula paa, hanggang ulo,
Pag-ibig sabay sa dugo,
Naghalo dusa’t pag-ibig
Taglay Mo’y putong na tinik.
4.Masdan, katawan ni Hesus,
Babad sa dugong nabuhos.
Sa mundo’y patay na ako,
Sa ’ki’y patay na rin ito.
5.Akin man ang kalikasan
Ay wala ring kabuluhan;
Sa pag-ibig na dalisay,
Puso’t buhay ko’y ialay.