Karangala’t Papuri
Karangala’t Papuri
Ang pinararating;
Awit ng aming labi’y
Hosanang kay lambing!
Ika’y Hari ng Israel,
Anak ka ni David.
Sinugo ka sa amin;
Kaligtasa’y hatid.
Ang bayan Mong hinirang
Sa ‘Yo’y umaawit
Luwalhati’t papuri
Ang pinababatid;
Ang pagpapasalamat
Hindi napapatid;
Sa ‘Yo’y O Manunubos
Na nagpakasakit.
Ang alay na papuri
O Hari tanggapin;
Galak at pagpapala’y
Igawad mo sa ‘min.
Hindi makalilimot
Bayan Mong tinubos;
Sa langit lang malulubos
Ang papuri Hesus.