Isang Gabing Kaaya Aya

 


1. Isang Gabing Kaayaaya,
May awitang napakinggan;
Mga anghel ay nagsasaysay:
“Si Cristo ay sumilang!”
Sa lupa ay kapayapaan,”
Pasabing sa Dios nanggaling;
Mga pastel ang nakarinig
Sa awitan ng anghel .


2. Patuloy na nag-aawitan,
Hukbo ng sinugong anghel,
Awit nila ay dinggin ninyo,
Mundong sa sala’y himbing.
Kayong nagdurusa nang lubha
At labis na napapagal,
Tumatawag ang mga anghel,
Sila’y inyong pakinggan.


3.O taong maraming pasanin,
Sa sala’y nabibigatan,
At sa landas na tinatahak,
Ilaw’y nahihirapan;
Magpahingalay ka ngayon,
Ang sala’y lisanin mo na;
Manalig sa Tagapagligtas,
Buhay mo’y liligaya.


4. Mga propeta ang nagsaad:
Sasapit na rin ang araw,
Kaguluhan ay magwawakas
Dito sa sanlibutan;
Kapayapaan ang iiral,
Sa puso’y magpapasigla,
At ang inaawit ng anghel
Ay may katuparan na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *