Dumating Na Ang Mang Aaliw
1. Ating ipahayang sa lahat ng tao
Kahit saang sulok, salahat ng dako,
Na ang Mangaaliw ay ating kapiling
Pagkat Siya’y dumating.
Refrain
Ang Mangaaliw nag sa ati’y dumating,
Espiritung Banal, sa langit nanggaling;
Pangako ng Ama saati’y tinupad,
Balita’y ikalat!
2. Lipas na ang gabi, umaga’y dumating,
Sumikat ang araw, napawi ang dilim;
Laking kagalakan, pagkat Mangaaliw
Sa ati’y dumating.
3. Kaligtasang alay ng Haring dakila,
Sa bihag ng sala ay nagpapalaya;
Kayat ang tagumpay ay ating awitin
Pagkat Siya’y dumating.
4. Laging sasambitin pagibig na banal
Sa bawat kalul’wang sa sala’y naligaw;
Tuwa’y labisla-bis pagkat Mangaaliw
Sa ati’y dumating!