Dakila ang Iyong katapatan
Dakila ang Iyong katapatan
Walang hanggang kapatawaran
Biyaya Mo’y gabay sa katuwiran
at walang sino mang makahahadlang.
Pre Koro
Ang ‘Yong baya’y isipin
Ang Iyong mga anak O Diyos dinggin
Pangako’y alalahanin.
Koro
Ikaw ay sapat
Ikaw ay sapat
Ikaw ay sapat sa akin.
Dakila ang Iyong pagmamahal
Kahinaan ko’y tinumbasan
Ginuhit Mo’y awit ng kaligtasan
Magpupuri kailanpaman.