Hinanap sa paggiliw

 


1. Hinanap sa paggiliw,
Akong walang aliw,
Pagal, may kasalanan,
Inuwi sa kawan.
Habang sa Kanyang harapan
Mga anghel nag-awitan.


Ref
O pag-ibig sa ’kin,
Humanap, umangkin!
O dugong dulot katubusan,
Biyayang nag-uwi sa kawan!


2. Sugat ng kasalanan,
Kanyang hinugasan;
Langis, alak, ’binuhos,
Nang gumaling lubos,
Kanyang tinig na kay tamis
Lunas sa puso kong hapis.


3. Bakas ng pagkapako,
Sa aki’y ’tinuro;
Ang may tinik na putong,
Sa Kanya’y ’pinatong;
Bakit nagdanas ng dusa,
Dahil sa akin na aba?


4. Nang sa Kanyang presensiya,
Pinagmasdan ko Siya,
At Kanyang pagpapala
Aking ginunita.
Di sapat ang mga araw
Upang papuri’y isigaw.


5. Habang ang mga oras
Ay nagsisilipas,
Iisa lang na bagay
Aking hinihintay;
Na sa tabi Niya’y tawagin,
Kasintahan Niyang kapiling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *