Noon puso ko’y malungkot

 


1. Noon puso ko’y malungkot,
Dilim nagpalibot;
Ngayon Kristo’y nagpasaya,
Puso ko natuwa!


Ref
Kristo ngayon nagpasaya,
Wala nang iba pa;
Pag-ibig, galak at buhay;
Kristo ang nagbigay.


2. Natikman panlupang lasa,
Uhaw di mawala;
Mapasa ’kin man ang mundo,
Walang s’ya puso ko.


3. Noon pagpala nais ko,
Di hangad si Kristo;
Kahit binale-wala Siya,
Ako’y hinanap Niya.


4. Tubig sa sisidlang basag,
Inuma’t mabagbag,
’Pagkat tumagas, nawala,
Uhaw ko’y kinutya.


5. Pagpapala ay nawala,
Ni di naisip Ka;
Nang buksan Mo aking mata,
’Batid Iyong pagsinta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *