Sa Pag Ibig ni Cristo

 


Sa pag-ibig ni Kristo,
Ako ay tinubos
Ang aking kasalana’y
pinawi Niyang lubos,
At kaya ang aking awit
na di matapus-tapos
Ay purihin si Kristo
aking Manunubos.


Koro
Tunay na di nagbabago
Ang pag-ibig ni Kristo
Lalong tumitibay at laging dalisay
Ang Kanyang pagmamahal.


Bawat nayon at bayan
Sa lupaing banal,
Ay dinalhan ni Cristo
Ng aral Niyang mahal;
Ang mga sakit at dusa
Ay Kanyang nilunasan,
At kinupkop ang taong sa
Sala’y naligaw.


Dakila Niyang pag-ibig
Ang tanging dahilan
Tayong makasalana’y
Sinakop na tunay;
At kapag ating sinapit,
Langit na Kanyang bayan,
Atin Siyang pupurihing
Magpawalang hanggan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *